Pamunuan ng Coca-Cola Philippines, kinumpirma ang tigil-operasyon nito sa ilang planta

Kinumpirma ng pamunuan ng Coca-Cola Beverages Philippines Inc., na ilan sa mga bottling plants nito ang suspenido ang operasyon kasunod ng kakulangan sa suplay ng premium refined sugar.

Bagama’t hindi tinukoy kung anong planta ang pansamantalang isinara ay siniguro nito na tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa gobyerno at sa industriya ng asukal upang makabuo ng solusyon hinggil dito.

Sa ngayon, humingi ng konting pasensya ang kompanya sa mga parokyano nito habang hinahanda nila ang paghain ng kanilang buong line-up ng inumin.


Una nang nagbahagi ang isang empleyado ng Coca-Cola plant sa Naga City, Camarines Sur ng isang litrato na may nakapaskil na suspendido ang operasyon sa naturang planta kung saan nasa 70 empleyado nito ang apektado.

Facebook Comments