Pinagmumulta ng Antipolo City Government ang Heaven’s Gate ng P5,000 makaraang ireklamo dahil sa maiitim na usok na lumalabas sa chimney ng kanilang crematorium.
Ayon kay Jun Bumanglag, Supervisor ng Heaven’s Gate, nagbubuga ng makapal at maitim na usok ang kanilang crematorium dahil isinama nila ang mga kumot ng mga bangkay na may COVID-19.
Paliwanag naman ng Antipolo City Government nag-isyu na sila ng notice of violation sa pamunuan ng naturang crematorium dahil sa mga paglabag bagama’t ang usok umano na lumalabas sa chimney nito ay hindi naman gaaanong nakasasama sa kalusugan ng tao.
Nag-ugat ang reklamo ng naturang crematorium dahil sa reklamo ng isang concerned citizen na nabidyuhan na lumalabas ang makakapal at maitim na usok mula sa naturang chimney o labasan ng usok na pinangangambahan na posibleng malanghap ng mga dumadaan sa naturang crematorium.