Pamunuan ng DENR, makikipag-ugnayan sa PCG at DND tungkol sa isyu ng pagtatapon ng dumi sa West Philippine Sea

Inihayag ngayon ng Pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard (PCG) at Department of National Defense (DND) tungkol sa isyu ng waste disposal sa West Philippine Sea.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, makikipag-ugnayan umano sila sa PCG at DND una para malaman kung may katotohanan ang naturang alegasyon at pagkatapos ay ipararating nila sa atensyon ng Chinese government sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs.

Paliwanag pa ni Antiporda na hindi basta sila kikilos ng walang mga batayan kayat kinakailangan i-validate muna nila kung talaga barko ito ng China ang nagkalat ng basura sa naturang karagatan.


Matatandaan na napabalitang mayroon umanong Chinese vessels ang nagkalat ng basura sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Facebook Comments