Tiniyak ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi sa publiko na walang epekto sa supply ng langis sa bansa ang pagsasara ng refinery operations ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation .
Paglilinaw ni Cusi, magpapatuloy pa rin ang importasyon ng langis ng Shell, ang kaniyang inaalala ngayon ay ang mga kawaning mawawalan ng trabaho.
Samantala, nirerespeto umano ng kalihim ang desisyon ng management ng Shell na permanente nang isasara ang kanilang refinery operations dahil sa epekto ng pandemic.
Nauna nang sinabi ni Shell President at CEO Cesar Romero na dahil sa kasalukuyang sitwasyon kaya’t nag-desisyon ang kompanya na hindi na ipagpatuloy pa ang kanilang refinery operation.
Sa naging pahayag ng Shell, ang Department of Energy (DOE) ang magsasagawa ng monitoring sa magiging impact ng pangyayari sa mga empleyado.