Pamunuan ng DepEd, nagbabala sa mga gumagamit ng pangalan ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio para mangolekta ng pera para sa proyekto ng kagawaran

Nagbabala ang Office of Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na gumagamit sa pangalan ng pangalawang pangulo upang gumawa ng mga iligal na aktibidades sa kagawaran.

Ang babala ay kasunod sa natatanggap nilang impormasyon tungkol sa mga taong nagrerepresenta sa kanilang mga sarili bilang representante ng pangalawang pangulo upang di umano’y mangolekta ng advance payments para sa proyekto ng Department of Education (DepEd) kung saan pinupuntirya ang mga contractors at suppliers ng kagawaran.

Ayon kay Mayor Christina Garcia Frasco Spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte, hindi umano nagtatalaga si Duterte-Carpio ninuman para makipag-usap sa mga kontraktor at suppliers para gumawa ng mga iligal na aktibidades at sirain ang magandang reputasyon ng kagawaran.


Hinikayat din ng papasok na Kalihim ng DepEd ang publiko na i-report sa kinaukulan ang mga kahina-hinalanag aktibidades para agad na mabigyan ng kaukulang aksyon.

Binigyang diin ni Duterte-Carpio na walang puwang sa kanyang administrasyon sa kagawaran ang mga iligal na aktibidades na makasisira sa imahe ng buong organisasyon.

Facebook Comments