Naniniwala si Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., na malaking papel ang ginagampanan ng simbahan at civil society group sa pag-unlad ng bansa o tinatawag nitong “Whole-of-Country Approach” ang kailangan upang matugunan ang hamon ng bansa sa ating paglalakbay tungo sa paglago ng ating ekonomiya.
Ayon kay Secretary Abalos kailangan ang tulong o suporta ng bawat isang mamamayang Pilipino hindi lang sa paglaban sa iligal na droga kundi maging sa kahirapan
Sa kanyang mensahe sa pagtitipon ng Samar Island Partnership for Peace and Development o SIPPAD sa Borongan, Eastern Samar iginiit nito ang kahalagahan ng malakas na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng gobyerno at iba’t ibang sektor ng lipunan tungo sa magandang pamamahala upang matugunan ang dekadang problema gaya ng local insurgencies, pagkakaiba sa ekonomiya sa mga MSMEs o Micro, Small and Medium Enterprises at kahinaan sa natural disasters at calamities.
Paliwanag ng kalihim hindi umano kaya ng gobyerno na mag-isang balikatin ang problema dahil masyado aniya itong malaki ang mithiin ng pamahalaan na kailangan ang buong suporta ng komunidad at ng bawat Pilipino ay mayruong malaking papel na ginagampanan tungo sa ikauunlad ng bansa.
Hinikayat din ni Abalos ang mga stakeholders na makiisa at makibahagi sa responsibilidad na protektahan at ipreserba ang natural resources ng rehiyon kasabay ng pagtiyak na tutulong ang DILG upang maprotektahan ang ating kalikasan.
Binigyang diin ng kalihim na walang mga lokal at dayuhang turista na pupunta sa Pilipinas kung magulo ang lugar at hindi uamno kayang ipreserba ang kalikasan kung magulo ang rehiyon.