Pamunuan ng DOE, pinamamadali ang pagpatutupad ng StaySafe.PH contact tracing app

Photo Courtesy: Department of Energy Philippines Facebook Page

Inatasan na ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso G. Cusi ang lahat ng mga kawani ng DOE na mandatory o sapilitan na ang paggamit ng StaySafe.PH contact tracing application para ma-monitor ang mga nangyayaring COVID-19 sa kanilang organization at mapigilan na rin ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Ang direktiba ni Secretary Cusi ay nakapaloob sa Memorandum sa lahat ng mga DOE employees/personnel na inisyu noong Biyernes, January 22 ngayong taon.

Paliwanag ng kalihim, napakahalaga umano ang naturang digital bayanihan system upang maprotekhan natin ang ating mga sarili, pamilya at buong komunidad ng DOE kung saan nanawagan siya kasama ang DOE COVID-19 Incident Management Team na makipagtulungan na gamitin ang naturang platform na mabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.


Giit ni Cusi, ang StaySafe.PH ay opisyal na pag-uulat ng kondisyon ng kalusugan, contact tracing at social distancing system na ginawa laban sa COVID-19, alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pamamagitan ng kanilang Resolution No. 85 na inisyu noong November 26, 2020.

Nakasad sa naturang resolution na lahat ng national government at Local Government Units (LGUs) ay inaatasang mag-adopt ng digital application system.

Facebook Comments