Pamunuan ng DOTr, makikipagdayalogo sa grupong MANIBELA na planong magsagawa ng 3 araw na tigil-pasada

Hinikayat ng pamunuan ng Department of Transportation ang grupong MANIBELA na pag-usapan ang kanilang mga hinaing at huwag munang ituloy ang nakatakdang tatlong araw na tigil-pasada.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, inatasan na nito si Assistant Secretary for Road Transport and Non-Infrastructure Dioscoro “Jojo” Reyes na magsagawa kaagad ng dayalogo sa mga miyembro at opisyal ng grupong MANIBELA para talakayin ang kanilang mga hinaing sa lalong madaling panahon.

Isa sa mga pangunahing dahilan ng grupong MANIBELA kung bakit sila magsasagawa ng tigil-pasada ay ang pagkansela umano sa kani-kanilang prangkisa ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) dahilan kaya hindi na sila makapagparehistro sa Land Transportation Office (LTO).


Umaasa ang DOTr na sa halip na tigil-pasada, dapat umanong idaan sa dayalogo upang pag-usapan ang kanilang inilalatag na problema at para maging ligtas na rin ang mga komyuter.

Facebook Comments