Pamunuan ng DOTr, nagbibigay pugay sa mga frontliners na walang sawang tumulong sa bansa

Nagpaabot ng mataas na paghanga o respeto si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade sa lahat ng mga frontliners na walang sawang tumulong sa bansa sa pamamagitan ng paglaban sa kumakalat na Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Secretary Tugade, hindi matatawaran ang ginagawang sakripisyo ng mga frontline health workers na nagpapatuloy sa kanilang pagbibigay serbisyo at pagligtas sa buhay gayundin ang mga service vehicle drivers na walang pagod na inilaan ang kanilang sarili kahit buhay pa nila ang nakataya basta’t maihatid lamang sa kanilang paroroonan ang mga frontline health workers sa kani-kanilang mga hospital.

Giit ng Kalihim, ang naturang hakbang ng mga frontline health workers at mga driver ay nagpapakita ng kanilang bayanihan na nagbibigay ng pag-asa na kaya nating mga Pilipino na lampasan ang anumang laban na ating kinakaharap sa buhay dahil matitibay at may paninindigan ang mga Pilipino.


Facebook Comments