Pamunuan ng DOTr, pinatutukan ang mas maayos na serbisyo at maginhawang pagbiyahe ng mga pasahero sa MRT-3

Nagulantang ang mga pasahero ng sorpresang sumakay ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3) bilang pasahero ng walang kasamang entourage ang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Secretary Jaime Bautista.

Nagsagawa ng pag-iinspeksyon si Bautista, kung saan nakisalamuha at nakausap ang ilang mga pasahero mula Kamuning Station hanggang EDSA-Taft Avenue Station.

Ayon kay Bautista, mahabang pila umano ang karaniwang reklamo ng mga pasahero subalit sasakay pa rin ang mga ito dahil komportable at mabilis naman ang takbo ng mga tren kahit tapos na ang libreng sakay.


Pinatutukan din ni Bautista sa pamunuan ng MRT-3 ang mga pagdadagdag ng mga waiting seat para sa mga nakatatanda, Persons with disabilities (PWD) at buntis.

Pinadagdagan din nito ang X-ray machines sa mga station full ticket counter at i-promote ang paggamit ng Beep Card at iba pa upang mapabilis at umiksi ang pila ng mga pasahero.

Ang kopya ng rekomendasyon ni Bautista ay nasa tanggapan na nina Transportation Usec. Cesar Chavez at MRT-3 OIC General Manager Ofelia Astrera.

Facebook Comments