Pamunuan ng DTI, dudang ibabalik sa mas mahigpit na Alert Level 2 ang NCR

Duda si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na ibabalik sa mas mahigpit na Alert Level 2 ang Metro Manila sa harap ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay Lopez, kailangan nang mapanatili ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa kaya malabong magpasya ang Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa Alert Level 2 ang Nationa Capital Region (NCR).

Ipinunto ng kalihim na natutuhan na ng mga awtoridad na hindi dapat mauwi sa escalation ng alert level ang mild COVID-19 cases at mababang Intensive Care Unit (ICU) Utilization Rate.


Una nang iniulat ng Department of Health (DOH) na mababa pa ang utilization rate ng health care facilities kahit pa tumaas ang lingguhang kaso ng COVID-19 sa 14 na local government unit sa NCR.

Mamayang alas-4:00 ng hapon ay magpupulong ang Metro Manila Council para pag-usapan kung irerekomenda sa IATF na itaas sa Alert Level 2 ang NCR.

Facebook Comments