Naghahanda na ang pamunuan ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 Delta variant sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Alfonso Nuñez ng EAMC, nag-upgrade na sila ng kanilang oxygen supply para sa inaasahang pagdami ng kaso ng virus.
Paliwanag ni Dr. Nuñez. mayroon na rin silang bed utilization rate na nasa pagitan ng 75 percent hanggang 80 percent ngayon kumpara sa 40 percent hanggang 50 percent noong nagdaang linggo.
Dagdag pa ni Nuñez, oras na ma-upgrade ang kanilang oxygen-generating plant, ang ospital ay maaaring mag-refill ng iba pang medical facilities’ oxygen supply hanggang kinakailangan.
Nagbukas na rin ang ospital ng tatlong emergency rooms kung saan ang dalawa rito ay laan sa COVID-19 cases at dagdag na 15 pang Intensive Care Unit (ICU) beds.
Sapat din aniya ang kanilang human health resources gayundin ang pagpapanatili sa mga contractual nurses, contractual doctors at contractual admin support personnel.