Pamunuan Ng Iglesia Ni Cristo, Kakasuhan Ang Naglabas Ng Pekeng Sulat Na Naglalaman Ng Kanilang Endorsement Kay Davao Ci

34

MANILA – Kakasuhan ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang nagpakalat ng pekeng sulat na naglalaman ng endorsement nila kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.Ayon kay INC Spokesman Edwil Zabala, hindi totoo na nagmula ang sulat kay INC Leader Brother Eduardo Manalo.Aniya, oras na matukoy ng grupo ang responsable sa pamemeke ng pirma ni Manalo ay kanila itong kakasuhan.Nabatid na umabot na sa mahigit 15,000 shares ang naturang post.Matatandaan na nakipagpulong ang mga presidentiables maging si Pangulong Noynoy Aquino sa INC leaders para hilingin ang kanilang suporta.Nabatid na inaabangan ang endorsement ng INC dahil sa isinasagawang bloc voting ng kanilang mga miyembro.

Facebook Comments