Pamunuan ng ilang bus terminal sa Sampaloc, Maynila, naka-antabay pa rin sa mga nagbabalik lungsod na mga pasahero

Inaabangan pa rin ng ilang mga bus terminal sa Sampaloc, Maynila ang pagdagsa ng mga nagbabalik pasahero na nagbakasyon para gunitain ang Semana Santa.

Nabatid na paisa-isa ang pagdating ng bus na mula sa Abra, Tuguegarao, Aparri, Cagayan, Claveria, Isabela, Cauayan, Santiago at Cabanatuan.

Giit ng ilang tauhan ng bus terminal, posibleng ngayong umaga pa lamang ba-biyahe ang ilang pasahero mula sa mga probinsyang nabanggit kaya kakaunti lamang ang bilang ng nagbabalikan sa Maynila.


Isa rin sa nakikita nilang dahilan ay maaring naipit sa pagsikop mg daloy ng trapiko ang mga bus habang papalabas pa lamang ng mga probinsiya na kadalasan ay normal naman daw itong nangyayari.

Kaugnay nito, nakahanda at naka-antabay lamang sila sa papauwing pasahero kung saan bawat terminal ay nakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at mga tauhan ng barangay.

Ito’y para masiguro ang kaayusan at kapayapaan gayundin ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments