Pamunuan ng Isabela PPO, pinaalalahahan ang lahat ng ‘Promoted na Pulis’

73

*Cauayan City, Isabela- *Muling nagbabala si Provincial Director P/Col. Mariano Rodriguez ng Isabela Police Provincial Office sa mga pulis na promoted matapos ang isinagawang Mass Oath Taking and Pinning of Ranks sa Ilagan City, Isabela ngayong araw. (November 25, 2019)

Ayon kay P/Col. Rodriguez, binabalaan nito ang lahat ng kapulisan sa buong lalawigan na ‘wag nang magbalak na pumasok sa ilang lugar gaya ng sabungan, beerhouse at ilan pang iligal na pasugalan dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng internal cleansing sa hanay ng kapulisan sa bansa.


Nagpaalala din ito sa mga pulis na mas lalo pang pag ibayuhin ang kanilang sinumpaang tungkulin na maglingkod sa bayan.

Hinihikayat naman ni P/Col. Rodriguez ang publiko na mangyaring ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang mga pulis na mahuhuli na lumalabag sa nasabing implementasyon.

Facebook Comments