Pamunuan ng ISU Angadanan Campus, Itinangging may mga Mag aaral na nahikayat ng NPA

Cauayan City, Isabela- Pinabulaanan ng pamunuan ng Isabela State University-Angadanan Campus ang impormasyong may ilang mga estudyante ang nahihikayat ng mga kasapi ng New People’s Army o NPA.

Una rito, muling nagsagawa ng Peace and Development Forum ang hanay ng Tactical Operations Group 2 Philippine Airforce alinsunod sa Executive Order No.70 o End Local Communist Armed Conflict ni Pnagulong Duterte katuwang ang ilang ahensya ng gobyerno sa Isabela State University- Angadanan Campus ngayong araw.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Jake Galiza, Campus Administrator ng ISU Angadanan Campus, nagpapasalamat ito sa pagdaraos ng ganitong aktibidad upang mabigyang ng tamang kaalaman ang mga mag aaral sa maling dulot ng paghikayat ng mga NPA na kalimitang biktima ay mga ito.


Ayon naman kay Master Sergeant Jimmy Andaya ng TOG 2, layunin ng nasabing aktibidad na tutulan na mapasama ang mga mag aaral sa mga makakaliwang grupo na mag aklas sa pamahalaan.

Kaugnay nito, isang binansagang ‘Lola’ ang magiging resource speaker na dating kaanib ng NPA at ngayoy nagbalik sa gobyerno para imulat ang kawalang kwenta na dinudulot ng mga rebeldeng grupo.

Facebook Comments