Pamunuan ng Jam liner, ipatatawag ng QC Council dahil sa iba’t ibang paglabag

Patong-patong na paglabag ang nasilip ng Quezon City Council Transportation Committee sa terminal ng Jam liner sa EDSA sa isinagawa nilang inspeksyon kanina sa iba’t ibang terminal ng provincial buses sa Cubao.

Ayon kay Quezon City Councilor Winston Castelo, kabilang sa mga violation ay ang masyadong maliit na terminal ng Jam. Masikip ang entrance at exit nito kaya malaking abala rin ito sa daloy ng trapiko kapag lumalabas ang bus ng Jam.

Napansin pa ni Castelo na maliban sa mga bus ng Jam, nagteterminal din sa lugar ang City bus na PH Tourist na biyaheng Navotas.


Sinilip din ng mga konsehal ang maruming CR ng terminal. Wala ring nakitang sniffing dog para sana sa seguridad ng mga pasahero.

Ipapatawag ng konseho ang pamunuan ng Jam para pagpaliwanagin.

Ayon pa kay Castelo , kahit na may umiiral na injuction na nagpipigil sa pagsara ng mga Provincial bus terminal sa EDSA, irerekomenda nila sa konseho na bawiin ang permit ng Jam para makapag-operate.

Facebook Comments