Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagpupugay si Liberal Party o LP President Kiko Pangilinan sa mga manggagawang Pilipino na aniya ay pinakamahalagang yaman ng Pilipinas.
Giit ni Pangilinan, ang patak ng pawis, sakripisyo at pagpupurisigi ng mga mangagawa ang tunay na nasa likod ng mga numero at statistika na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya.
Bunsod nito ay iginiit ni Pangilinan sa pamahalaan na kumilos para sa kapakanan ng mga mangagawa.
Dapat aniya ay siguraduhin ng gobyerno na mabibigyan ang mga mangagawa ng disenteng sahod, seguridad sa trabaho, ligtas na kapaligiran, patas na oportunidad, at makabuluhang pagsasanay upang kayanin nilang makipagsabayan sa ibang manggagagawa sa mundo at upang magtagumpay.
Kasabay nito ay tiniyak din ni Pangilinan na patuloy nilang babantayan ang Department of Labor and Employment sa paggawa ng polisiya kaugnay ng kontraktwalisasyon at iba pang usapin tungkol sa labor tenure.
DZXL558