Pamunuan ng LRT-1, handa na sa muling pagdagsa ng mga pasahero ngayong Alert Level 1

Muling iginiit ng pamunuan ng LRT-1 na handa na sila sa muling pagdagsa ng mga pasahero ngayong isinailalim na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

Matatandaan na sa panuntunan ng Alert Level 1, nasa pinapayagan ang 100 percent capacity sa mga pampublikong sasakyan kabilang na ang MRT at LRT.

Pero, paalala ng pamunuan ng LRT-1 na kahit na nasa Alert Level 1 na, katulad pa rin ng panuntunan ng Alert Level 2 ang kanilang ipinapatupad maliban na lamang sa hindi pagsusulat ng health declarstion form.


Kinakailangan pa ring nakasuot ng face mask, pagkuha ng temparature habang ipinagbabawal ang pagkain at pagkukuwentuhan sa loob ng bagon.

Hinihimok din ang mga pasahero na gumamit na lamang ng Stored Value Card para iwas hawaan ng sakit at maging conveniet ang biyahe.

Sinabi naman ni Light Rail Manila Corp. (LRMC) Spokesperson Jacqueline S. Gorospe na inaasahan nila ang nasa 1,200 na pasahero kada isang biyahe mula Baclaran hanggang Roosevelt Station at pabalik nito.

Facebook Comments