Pamunuan ng LTFRB binalaan ang TNVS na Uber at Grab na manghuhuli na sila bukas

Manila, Philippines – Muling binalaan ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na pinal na ang kanilang desisyon na manghuhuli ng TNVS na Uber, Grab maging Uhoop.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada binigyan na nila ng mahabang palugit ang Uber at Grab na ihanda ang kanilang mga kakailanganin dokumento upang iparehistro na ang kanilang mga sasakyan sa ahensiya.

Sa panig naman ng Uber sinabi ni Atty. Yves Gonzales Uber Head Govt. Relation maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa kanilang gagawing TWG bukas upang maikonsidera ang kanilang mga kahilingan na huwag ituloy bukas bagkus bigyan pa sila ng panahon para maisaayos ang mga dokumento para rito.


Pabor naman ang Philippine Transportation Network Organization sa plano ng LTFRB na paghuhulihin na bukas ang mga kolurom sinabi ni PTNO President Ivan Kloud nararapat lamang na mawawala na ang mga kolurom na Uber at Grab dahil nakasisira lamang umano ito sa kanilang hanay.

Umalma naman ang mga mananakay ng TNVS na Grab at Uber ayon kay Christian Dolfo kung paghuhulihin ang mga ito dapat bumalangkas ang LTFRB na paraan para matugunan ang problema sa transportasyon.

Facebook Comments