Pamunuan ng LTO, tumulong na rin na maghatid ng mg relief good sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol Region

Nagpaabot na rin ng tulong ang pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) kung saan ay namahagi sila ng relief good sa mga lubhang tinamaan ng hagupit ng Bagyong Kristine sa Bicol Region.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, mga sako-sakong bigas, hygiene kits at iba pang mga pangunahing pangangailangang donasyon ang ipinadala kagabi sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Kristine.

Hinangaan ni LTO Chief Mendoza ang lahat ng mga tauhan ng LTO na nagboluntaryong tumulong sa mga residente sa kani-kanilang mga lugar pagkatapos ang pananalasa ng bagyo.


Dagdag pa ni Mendoza, nagsilbing repacking at distribusyon ng mga relief goods ang LTO Pamplona District Office na kanilang ihahatid sa lalawigan ng Bicol.

Ikinatuwa rin ng opisyal ang pagtulong ng mga LTO personnel kung saan katuwang din sila sa rescue operation sa gitna ng mga pagbaha sa LTO Naga, kahit na kasama rin sila sa mga binaha ay tumulong din sila sa pamamahagi ng relief goods at pagsasagawa rin ng rescue operation sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments