
Nakahanda at nakalatag na ang plano ng pamunuan ng Manila City Jail sakaling ilipat sa kanilang kustodiya si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. base sa desisyon ng Korte.
Nabatid na una nang naglabas ng commitment order ang korte sa Maynila na nag-uutos na ilipat sa Manila City Jail si Teves mula sa pasilidad ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bilibid sa Muntinlupa.
Ayon kay Jail Supt. Lino Soriano, warden ng Manila City Jail Male Domitory, sasailim si Teves sa normal na procedure na dinaraanan ng mga regular na persons deprived of liberty (PDL) kapag nailipat na ito sa kanila.
Maaari naman hilingin sa korte na ilipat ang kustodiya ni Teves sa isang mas naaayon na jail facility para sa mga high risk at high profile na PDL sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan sa Taguig City.
Pero sa ngayon ay nakadepende pa rin sa magiging desisyon ng hukom kung ililipat o mananatili si Teves sa kanilang kustodiya sa oras na mailipat na ito sa Manila City Jail.









