Pamunuan ng Manila North Cemetery, handang-handa na sa pag-gunita ng undas

Malinis na sa vendors ang loob ng Manila North Cemetery ngayong araw.

Bukod dito, ilan din sa mga illegal stuctures na tinirhan ng mga informal settlers ay giniba ng tauhan ng lokal na pamahalaan.

Round the clock din ang ginagawang pag-babantay ng Manila police district kung saan katuwang nila ang Manila Department of Public Safety.


Hindi na din nag-papasok ng mga nagnananid maglinis ng puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay habang bawal na din pumadok sa loob ng sementeryo ang anumang sasakayan.

Kaugnay nito, nagsagawa naman ang manila LGU ng libreng sakay kung saan ang mga e-trike ang siyang maghahatid papasok at papalabas ng north cemetery.

Mahigpit din ipinagbabawal ang pagdadala ng baraha, matutulis na bagay, flammable materials, lighter, sigarilyo, vape, drones, maiingay na bagay at mga alagang hayop.

Facebook Comments