Pamunuan ng Manila North Cemetery, may paalala sa publiko hinggil sa Undas 2023

Naglabas ng ilang paalala ang pamunuan ng Manila North Cemetery para sa nalalapit paggunita ng Undas 2023.

Sa abiso ng Manila North Cemetery, ang paglilinis, pagpipintura at pagsasa-ayos sa mga puntod o nitso ay hanggang October 25, 2023 (Miyerkules) na lamang.

Pansamantala ring ititigil ang pailibing mula October 28 kung saan magbabalik ang operasyon nito hanggang November 3, 2023.


Sa mga araw naman ng paggunita ng Undas o October 30 hanggang November 2, 2023, bukas ang pinaka-main gate ng Manila North Cemetery mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Simula October 28 hanggang November 2, 2023, ipagbabawal ang mga nakakalasing na alak, flammable materials, mga baril at ibang matutulis na bagay.

Gayundin ang paggamit ng videoke at mga sound system na nagdudulot ng ingay.

Ang lahat ng uri ng sugal ay mahigpit na ipinagbabawal maging ang pagdadala ng baraha at paglalaro ng bingo.

Mahigpit naman na seguridad ang ipapatupad sa loob at labas ng Manila North Cemetery para maging payapa at maayos ang paggunita ng Undas 2023.

Facebook Comments