Pamunuan ng Manila North Cemetery, puspusan na sa paghahanda sa Undas 2023

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng pamunuan ng Manila North Cemetery at lokal na pamahalaan ng Maynila para sa nalalapit na Undas 2023.

Nasa 20 portalets ang ipu-pwesto sa loob at labas ng Manila North Cemetery.

Maging ang 80 mga barrier ay nakahanda na ring iposisyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).


Sinabi ni Rocel Castañeda, OIC ng Manila North Cemetery, may mga fences rin silang gagamitin para gawing harang sa papasok at papalabas ng sementeryo.

Nasa 20 CCTV din ang ikinabit upang mabantayan at ma-monitor ang mga sitwasyon sa loob at labas ng Manila North Cemetery.

Inaasahan ng Manila North Cemetery na dodoble ang bilang ng mga magtutungo sa nabanggit na sementeryo kaya’t nais nilang mailatag na ang lahat bago mag-Sabado.

Facebook Comments