Nanawagan ang pamunuan ng Manila North Cemetery sa publiko na panatilihing malinis ang sementeryo ngayong Undas 2024.
Bagama’t may mga inilatag na hakbang para sa paglilinis ng sementeryo, nakiusap pa rin sila sa publiko na maglinis pagkatapos dumalaw sa puntod.
Maaari rin na magdala ng sariling trash bag ang mga bibisita at iwan ang mga napunong basura sa labas ng sementeryo.
Muling nagpaalala ang lungsod na bawal magpalipas nang gabi sa sementeryo at huwag nang ipilit pa ang pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng matutulis na bagay, baril, flammable materials, at sound system.
Samantala, nitong alas-9 ng umaga, nasa 3,000 na ang mga bumibisita sa Manila North Cemetery at inaasahang mas dadagsain pa ng mga bisita hanggang mamayang hapon.