
Kinumpirma ng pamunuan ng Meralco ang pagsuko ng suspek sa pagpatay sa kanilang empleyado sa Dasmariñas, Cavite nitong nakaraang Agosto 27.
Ayon sa Meralco, umaasa sila na mapapabilis na ang pag-usad ng kaso at ang paglilitis para mabilis na mapanagot ang suspek.
Tiniyak din ng kumpanya ang patuloy na pagbibigay nila ng suporta at tulong sa pamilya ng biktima.
Una rito, binaril at napatay ang Meralco employee sa sinasabing road rage sa Dasmariñas, Cavite habang minamaneho nito ang service vehicle ng kumpanya.
Facebook Comments









