Tuloy-tuloy ang ginagawang full swing renovation ng NAIA Terminal 2 .
Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, nag-umpisa ang renovation noong September 2018 sa kabila ng kaliwa’t kanang hinaharap nilang pagsubok.
Kabilang sa mga inaayos ngayon sa Terminal 2 ay ang architectural face lifting kasama ang pagpapalit ng damaged floor, restoration and chemical cleaning of stained floor sa may arrival and departure passenger movement areas, pagpapalit ng damaged ceilings, pagpapalit ng 32 sets ng skylight roofing, seismic/expansion joints sa general areas, aayusin din ang baggage claim area at elevated roadway.
Inaayos at pagagandahin din ang lugar ng mga well-wishers at maraming iba pa.
Kasunod nito umaapela nang pang-unawa ang pamunuan ng MIAA sa mga biyahero dahil sa ilang aberya bunsod ng konstruksyon.
Umaasa naman ang MIAA na matatapos ang airport renovation sa target nilang petsa sa March 2019.