Manila Philippines – Personal na aapela ang Miascor kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipag-utos ang termination ng kanilang kontrata sa mga paliparan sa bansa.
Aabot kasi sa 4,000 regular employees nila ang maaapektuhan ng nasabing kautusan.
Ang desisyon ng pangulo ay kasunod ng reklamo ni Jovenil Dela Cruz, ang OFW na nawalan ng mga gamit sa kanyang bagahe sa Clark International Airport na kinasangkutan ng anim na empleyado ng Miascor.
Giit ng Miascor, hindi sumasalalim sa buong kumpanya ang nangyaring insidente.
Taong 1974, nagbibigay serbisyo na ang Miascor sa mga pangnahing paliparan sa pilipinas kabilang na sa Ninoy Aquino International Airport.
Facebook Comments