Pamunuan ng Motorcycle Hailing Service na Joyride, nilinaw na wala silang kapit sa pulitika

Nilinaw ng bagong Motorcycle Hailing Service na ‘Joyride’ na hindi sila pag-aari ni Sen. Bong Go o ni Sen. Manny Pacquiao.

Pero inamin ni Joyride Vice President for Corporate Communications Noli Eala, na lumapit sila kay Sen. Koko Pimentel para magpa-endorso sa Dept. of Transportation (DOTr).

Subalit, wala namang nanyari sa paglapit nila sa Senador.


Sa ngayon, halos pitong libong riders na ang naka-rehistro sa Joyride kung saan higit isang libo sa kanila ay pumapasada na sa Metro Manila.

Higit 7,000 registered units ang isa pang Motorcycle Transport Service na Angkas.

Sinabi ni Eala, bukas silang tanggapin ang riders mula sa Angkas na nanganganib na matanggal matapos maglagay ng Cap ang LTFRB.

Pero giit niya, kailangang dumaan din sa sariling training program ng Joyride ang mga galing sa Angkas.

Nanawagan naman ang Joyride sa iba pang app na magtulungan na lang sa halip na magbangayan.

Facebook Comments