
Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasaherong nakaranas ng abala dulot ng siksikan noong Lunes ng umaga, January 5.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, pinayagang makapasok sa platform ang mga pasahero kahit may matinding congestion na, dahilan kaya nagkasiksikan nang dumating ang tren.
Pinaigting naman ngayon ang pagbabantay at koordinasyon ng mga tauhan sa mga istasyon para mapabuti ang crowd management at masigurong ligtas at maayos ang biyahe lalo na sa rush hour.
Matatandaan nag-viral ang video online ng mga commuter na nagsisiksikan at nag-uunahan sa escalator sa southbound platform ng MRT Cubao Station.
Tiniyak naman ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na mauulit ang nasabing insidente.
Facebook Comments









