Pamunuan ng MRT-3, may alok na libreng sakay sa Independence Day

26

May-alok na libreng sakay ang pamunuan ng MRT-3 sa darating na Sabado, Hunyo 12.

Kasabay ito ng paggunita sa ika-123 na anibersaryo ng pagkakasarinlan ng Pilipinas o ang Araw ng Kalayaan.


Ayon sa Department of Transportation, mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ang magiging libreng sakay sa umaga habang alas-5:00 hanggang alas-7:00 naman sa gabi.

Samantala, sa ngayon ay naikabit na ang lahat ng bagong 292 CCTV cameras sa MRT-3 bilang bahagi ng rehabilitation program.

Facebook Comments