Pamunuan ng MRT, hindi pa rin tukoy kung paanong nahiwalay ang bagon kaninang umaga

Manila, Philippines – Hindi panmatukoy ng pamunuan ng MRT kung paanong nakatakbo pa rin ang dalawang bagoon ng MRT kahit pa humiwalay na ang isang bagon sa likurang bahagi ng train.

Ito ay kaugnay sa insidente kaninang umaga kung saan ayon sa operator ng train na si Reynaldo Anyo, habang binabaybabay nito Northbound ng MRT, mula Ayala Station patungong Buendia, may lumabas na icon sa monitor nito na indikasyon na nagkakaroon ng error sa komunikasyon.

Ipinagbigay alam niya agad ito sa control room, ngunit nang makarating na sa Ayala ay dito na niya nakita na dalawang bagoon na lamang ang minamaneho niya.


Ayon kay MRT Director Mike Capati, tinitignan nila ngayon ang aspeto ng electrical fault, mechanical fault o di kaya ay human intervention.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawa nilang koordinasyon sa lahat ng kanilang technical teams, para sa pahpapatuloy ng imbestigasyon.

Facebook Comments