Naniniwala si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na hindi pa dapat ikaalarma ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Biazon, base sa Health Care Utilization Rate ay hindi pa “overwhelmed” o napupuno ang mga pasilidad sang-ayon sa ulat na nakarating sa kaniyang tanggapan.
Dagdag pa ng alkalde na kailangan aniyang maging alerto ang city government at patuloy na paalalahanan ang publiko na sumunod sa health protocols.
Paliwanag ng alkalde na dapat magsimula ang pagpigil sa pagkalat ng virus sa tahanan, sa trabaho at sa komunidad upang hindi na umabot sa puntong nakababahala na ang numero.
Base tala ng City Health Office, 127 ang active cases ng COVID-19 sa Muntinlupa.
Binigyang diin pa ni Biazon na lahat ng mga Barangay sa lungsod ay may binabantayang kaso ng COVID-19 kung saan pinakamarami ang pasyenteng ginagamot sa Barangay Cupang na may 27 habang sa Ayala Alabang ay mayroong 21.