Pamunuan ng NAIA, handa na sa pagdagsa ng mga bakasyunista

Manila, Philippines – Ngayong pumasok na ang ‘Ber’ months pinaghahandaan na ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport ang pagdagsa ng mga bakasyunista.

Ayon kay NAIA General Manager Ed Monreal bagamat hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa dagsa ang mga magbabakasyon, sinisuguro naman nitong may sapat silang tauhan para tugunan ang pangangailangan ng mga byahero.

Sinabi pa ni Monreal na pagdating sa seguridad ay wala naman masyadong mababago dahil nuon pa man ay mahigpit na ang ipinapatupad nilang seguridad sa NAIA.


Nakakalat aniya ang mga K9 dogs at gumagana ang lahat ng x-ray machines maging ang mga CCTV cameras.

Pagsapit ng Nobyembre, doon aniya papalo ang bilang ng mga magbabakasyon sa bansa.

Marami ding Overseas Filipino Workers ang uuwi sa kani-kanilang pamilya

Noong isang taon umabot sa mahigit sa kalahating milyon ang bumisita sa bansa pagsapit ng pasko.

Facebook Comments