MANILA – Balik operasyon na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) – Terminal 3 matapos ang limang oras na blackout noong Sabado ng gabi.Ayon kay NAIA Spokesman David De Castro, ala 1:40 ng madaling araw kahapon ng muling magpapasok ng mga pasahero sa Terminal 3.Humingi naman ng paumanhin si De Castro sa halos limang libong pasahero na naperwisyo ng blackout.Sa Imbestigasyon, nagkaroon ng problema sa substation ng Meralco kaya nawalan ng suplay ng kuryente sa NAIA.Pero iginiit ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriga, na naibalik kaagad ang suplay at posibleng loob ng paliparan nanggaling ang problema.Naapektuhan ng blackout ang nasa 82 domestic flights at apat na international flights, gayundin ang mga screening machines at check-in counter ng Terminal 3.Bukod dito, may napa-ulat ding ilang insidente ng nakawan kung saan ilang pasahero ang nawalan ng gamit.Sa kabila nito, hindi nadamay ang terminals 1, 2 at 4 sa blackout.
Pamunuan Ng Naia, Terminal 3 – Nagsorry Sa Libo-Libong Pasahero Na Naapektuhan Ng Limang Oras Na Blackout… Paliparan, Ba
Facebook Comments