Pamunuan ng NCRPO, ikinadismaya ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa pagpaslang sa ilang BOC personnel

Ikinadismaya at ikinalungkot ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMGen. Felipe Natividad ang pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa sunod-sunod na pagpaslang ng ilang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa loob ng compound ng Bureau of Customs sa lungsod ng Manila.

Ang suspek na si Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) agent Elizer Layag Mangili ay nakaditene na makaraang maisampa ang reklamo sa Manila City Prosecutors Office kahapon ng 3 ng hapon May 22, 2022.

Si PEMS Celedonio Caunceran ay kasalukutan naman isinailalim sa District Holding and Accounting Section ng Quezon City Police District at umanoy isinasangkot sa serye ng pagpatay sa mga empleyado ng BOC.


Ayon kay Natividad ang reklamo o kaso na isinampa laban sa naturang mga pulis kaugnay sa kahalintulad na alegasyon ay patuloy pang kinukumpirma kung saan tiwala ang heneral sa proseso ng imbestigasyon ng mga awtoridad.

Tinitiyak naman ni Natividad na ang malalimang pagsusuri ng mga sirkumtansiya at mga oirasong mga ebidensiya na kinalap ay mailahad o malantad ang katotohanan sa naturang kaso.

Binigyan diin pa ni Natividad na bilang Regional Director ng NCRPO ay hindi niya kokunsintihin ang anumang bahagi ng pagkakasangkot ng kanyang mga tauhan ng lahat ng mga hindi magandang aktibidades o gawain.

Facebook Comments