Manila, Philippines – Nagdesisyonang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na mas higpitan angseguridad sa paliparan matapos ang magkakasunod na pagpapasabog sa Quiapo,Maynila.
Ayon kay ManilaInternational Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, magmula nangmag-host ang Pilipinas sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations ayhindi na nagbaba ng alerto ang naia kung saan nakataas ito sa secondarysecurity alert 2.
At bilang bahagi anya ngmas mahigpit na seguridad ay ang pagsasagawa ng “random rigid inspections” samga pasahero at maging sa mga sasakyang papasok ng paliparan.
Kasabay nito, nilinaw niMonreal na hindi nila intensyong takutin ang mga pasahero sa paghihigpit nilang seguridad dahil layon lamang nilang mas palawakin ang kaalaman ng publiko samga insidenteng maaring mangyari malapit sa mga paliparan.
Pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport, mas hinigpitan ang seguridad dahil sa magkakasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila
Facebook Comments