Pamunuan ng Parañaque Catholic Cemetery, nagpaalala na dose oras lang silang magbubukas sa November 2

Nagpaalala ang pamunuan ng Parañaque Catholic Cemetery na dose oras lamang silang magbubukas sa November 2.

Bukas, November 2 ay magsisimula silang tumanggap ng mga bisita mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Ngayong araw naman, bukas ang Parañaque Catholic Cemetery hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Patuloy naman ang pagdagsa ng mga pamilyang dumadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay na nakahimlay rito sa sementeryo.

Nagpaalala rin ang pamunuan ng Parañaque Catholic Cemetery na bawal magdala ng armas, alak, malalakas na sound system, ipinagbabawal na gamot, mga bagay na madaling magliyab, at mga gamit sa pagsusugal.

Facebook Comments