Pamunuan ng Parañaque National Highschool, naghigpit na ng seguridad matapos mahulihan ng ilegal na droga at patalim ang isang estudyante nito

Mahigpit na ang ginagawang security check ng mga bantay paaralan alinsunod sa utos ng Pamunuan ng Parañaque National High School.

Gumagamit na ng metal scanners ang ang mga security guards sa gate ng paaralan kasunod ng insidenteng kinasangkutan ng isa sa kanilang mga estudyante na nahulihan ng patalim at ilegal na droga sa loob ng campus.

Sa statement na inilabas ni Parañaque National High School Principal IV Gerry Lumban, aniya paiigtingin pa ang values formation ng mga mag-aaral at ang kampanya ng paaralan kontra ilegal na droga para hindi na maulit ang nasabing insidente.

Nananatili rin aniyang prayoridad ang kaligtasan ng mga estudyante at staff at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang anumang karahasan, pagdadala ng mga patalim at paggamit ng ilegal na droga sa paaralan.

Matatandaang nakitaan ng isang kutsilyo at sampung sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱204,000 ang isang 16 years old na estudyante na tumangging ibigay ang cellphone sa guro kaya pinabuksan ang kaniyang bag.

Nasa protective custody na ang menor de edad pero posibleng maharap siya sa mga reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments