Pamunuan ng PGH, nagpaalala sa mas mahigpit na screening sa mga babakunahan

Nagpaalala si Dr. Gerardo Gap Legaspi, Director ng Philippine General Hospital (PGH) na mahalaga talagang maisailalim sa masusing screening ang mga babakunahan laban sa COVID-19 dahil delikado aniya kapag ang isang indibidwal ay may severe allergy.

Inamin ni Dr. Legaspi na dalawang doktor ng PGH ang nagkaroon ng severe allergy habang binabakunahan at mabuti na lamang aniya ang nataon na nasa ospital ang mga ito at naagapan naman.

May ilan din aniyang mga doktor ang tumaas ang blood pressure habang binabakunahan dahil sa takot.


Muli ring nilinaw ni Dr. Legaspi na ang mga gumaling sa COVID-19 ay 90 araw pa bago maaaring bakunahan.

Ito ay dahil sa may antibodies pa aniya ang mga ito sa katawan at hindi pa nangangailangan ng agarang pagbabakuna.

Facebook Comments