Pamunuan ng Philippine Army nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng dati nilang commander in chief, dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ayon kay Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad nagluluksa ang buong bayan sa pagpanaw ng isang magaling na lider at isang sundalo na isinabuhay ang pagiging makabayan.

Sinabi pa nito na nuong panunungkulan ni FVR nasimulan ang pagpapatupad ng AFP Modernization Act.


Kinikilala din ng Sandatahang Lakas ang ginawang pagbuhay ni dating Pangulong Ramos sa National Security Council na siyang tumutugon sa problema sa national security and stability.

Kasunod nito, taos-puso ang pagsaludo ng nasa 11,000 myembro ng Philippine Army sa dating pangulo at dati nilang commander-in-chief ng bansa.

Facebook Comments