Pamunuan ng Philippine Army, nakikiramay sa pagkasawi ng 8 sundalo na nasawi matapos maaksidente ang sinasakyan nilang military truck

Taos pusong nakikiramay ang pamunuan ng Philippine Army sa mga naulilang pamilya ng 8 sundalo na nasawi matapos maaksidente ang sinasakyan nilang military truck sa Uson, Masbate noong Linggo.

Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Romeo S. Brawner Jr., bibigyan nila ng tulong ang mga naulilang pamilya.

Habang nangako rin itong bibigyan ng medical assistance ang mga sundalong sugatan.


Noong Linggo nang mangyari ang insidente kung saan nagdala lamang ng supply ang 14 na army personnel sa kanilang detachment unit nang sumabog ang gulong ng sinasakyan nilang military truck at bumangga sa cement mixer.

Anim agad ang dead on the spot habang ang isa ay namatay habang ginagamot sa ospital at pitong sundalo ang patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Sa ngayon ani Brawner, ongoing ang imbestigasyon upang malaman ang puno’t dulo ng trahedya na kumitil sa buhay ng pitong magigiting na mga sundalo.

Facebook Comments