Pamunuan ng PITX may panawagan sa mga biyahero na magtutungo sa mga probinsya

Pinapayuhan ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga biyahero na tutungo ng mga probinsya na alamin muna ang requirements ng pupuntahan nila bago bumiyahe.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jayson Salvador na mas mainam ito upang mabatid kung mayroon silang special travel requirements.

Paliwanag ni Salvador, sa Bicol ay kinakailangan pa kasing magpresinta ng negative RT- PCR test result o antigen test.


Ang importante aniya ay palaging dala ang vaccination card at government issued ID kapag aalis.

Mahalaga ring sundin ang minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at ang social distancing lalo na’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments