Pamunuan ng PLDT, itinangging may utang sila sa gobyerno na 8 bilyong piso

Mariing itinanggi ng Pamunuan ng PLDT na mayroon silang utang sa Pamahalaan na nagkakahalaga ng 8 bilyong piso na ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa niyang talumpati.

Sa isang Interview kay PLDT Chairman Manny Pangilinan sa Caloocan matapos dumalo sa inagurasyon ng NLEX Harbor Link Segment 10 Project ang groundbreaking ng NLEX-SLEX Connector Road Project na Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi nito na nagsagawa siya ng internal inquiry sa PLDT at lumabas dito na nagbabayad sila ng tamang buwis at advance pa nga ito on a Quarterly basis.

Sinabi nito na hindi niya alam kung saan kinuha ng Pangulo ang kanyang sinabi na mayroon silang 8 bilyong pisong utang sa Pamahalaan.


Sa usapin naman ng reklamo ng Pangulo sa 8888 trunkline ay sinabi nito na nagdagdag na sila ng 20 pang trunklines dalawang gabi na ang nakalilipas upang matugunan ang dami ng tumatawag dito.
Nakipagusap narin naman aniya ang PLDT sa Malacañang para sa kinakailangang dagdag na computers at manpower para dito.

Facebook Comments