Nakatakdang makipagpulong ang pamunuan ng Philippine National Police sa Internal Affairs Service.
Ito’y para mas mapalakas pa ang kanilang ugnayan at matalakay na rin ang mga isyu na kinakaharap ng PNP.
Inaasahang mapag uusapan ay ang proseso ng pag-aakyat ng Recommendation for Dismissal ng IAS sa Office of the Chief PNP at ang kagustuhan ng IAS na kumalas na sa PNP.
Ayon kay PNP Spokesman BGen. Bernard Banac, importante ang magiging pagpupulong ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa at IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo para mas maging transparent pa ang kanilang hanay.
Maiiwasana na rin ang paglalabas ng mga hindi tugmang impormasyon.
Samantala, inamin naman ni Banac na sa kabila na ipinauubaya na nila sa Kongreso ang pagkalas ng IAS sa PNP, para sa kanya mas maigi na hindi na humiwalay ang IAS sa PNP.