Pamunuan ng POSD Cauayan City, Aminado na Naging Maluwag sa “No Helmet, No Driving Policy”

*Cauayan City, Isabela- *Aminado ang pamunuan ng Public Order and Safety Unit ng Cauayan City na medyo lumuwag ang kanilang paghihigpit sa panghuhuli sa mga motorista na hindi nagsusuot ng helmet.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay retired Col. Pilarito Mallillin, pinuno ng POSD Cauayan City, paliwanag nito na naging maluwag anya ang kanyang pinamumunuan sa nasabing usapin dahil sa kanilang pagtutok at pagbabantay sa Gawagaway-yan Festival nitong mga nakaraang Linggo.

Gayuman, iginiit ni POSD Chief Mallillin na balik normal na ngayon ang kanilang paghihigpit sa “No Helmet, No Driving Policy” matapos ang halos isang buwan na pista sa Lungsod.


Hindi na anya nila palalampasin na makalusot pa ang mga pasaway na motorista.

Paalala naman nito sa mga motorista na laging magsuot ng helmet kung babaybay sa lansangan at huwag pumaparada sa hindi tamang lugar upang maiwasan ang paninikip sa mga lansangan.

Facebook Comments