Pamunuan ng Primark, Hindi Sinipot ang Pulong na Ipinatawag ng City Council!

*Cauayan City, Isabela- *Hindi sinipot ng pamunuan ng Primark ang paunang imbitasyon na pulong ng City Council nitong nakaraang huwebes, Agosto 9, 2018 dahil wala umano ang mga matataas na opisyal ng Primark na maaaring dumalo para sa naturang pulong.

Ito ang ibinahagi ni Councilor Edgardo “Egay” Atienza, ang Chairman ng Committee on Labor and Economic Enterprises at Chairman ng Committee on Land Use Urban Development and Housing na bagamat hindi nakadalo ang mga pinuno ng Primark ay itinuloy pa rin nila ang kanilang pulong hinggil sa usaping pagbaha sa palengke at hinggil sa kanilang mataas na singil ng renta.

Aniya, humingi na umano ng panibagong skedyul ang pamunuan ng Primark at handa na rin umano silang dumalo para sa susunod na pulong.


Idudulog umano sa Committee on Infrastructure ang problemang madalas na pagbaha sa nasasakupan ng Primark at napag-usapan din umano ng City Council kung ano ang mga dapat na gawin ng pamahalaang panlungsod upang maresolba ang naturang problema.

Pag-aaralan din ng City Engineering ang mga kanal dahil nakita umano na masyadong maliliit ang mga imbornal sa Primark at napasukan na rin umano ng mga basura ang mga kanal na siyang nagsasanhi sa pagbara nito.

Samantala, Nakausap na rin umano ni Councilor Atienza si ginoong Boyet Taguiam bilang pinuno ng mga meat vendor na magsumite na ng kanilang formal complaint hinggil sa mataas na rentang sinisingil ng Primark na siyang magiging batayn ng pagsisiyasat ng naturang Committee.

Facebook Comments