Pamunuan ng Primark sa Cauayan City, Isabela, Inimbitahan sa City Council Kaugnay sa mga Inirereklamong Isyu!

*Cauayan City, Isabela*- Nakatakdang magpulong ngayong huwebes, Agosto 9, 2018 ang Pamahalaang Panlungsod at ng Pamunuan ng Primark hinggil sa mga isyung inirereklamo ng mga mamamayan gaya ng mataas na singil sa kanilang renta at madalas na pagbaha sa kanilang lugar.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Sangguniang Panlungsod Edgardo “Egay” Atienza, Chairman ng Committee on Labor and Economic Enterprises at Committee on Land Use, Urban Development and Housing sa RMN Cauayan kung saan kanya na umano itong naisambit sa kanyang pananalita sa naganap na Session kahapon.

Aniya, magkakaroon sila ng pulong kasama ang Primark Management upang malaman kung ano ang sanhi ng madalas na pagbaha sa kanilang lugar lalo na sa palengke kung umuulan.


Kailangan na rin umano itong matugunan upang hindi na umano makakuha ng sakit na leptos pirosis ang mga magtutungo sa naturang lugar.

Kanila rin umanong pag-uusapan ang mga isyu gaya ng kanilang mataas na singil sa renta ng mga vendors kaya’t mayroon umanong nakahiwalay na skedyul na pulong ang City Council sa lahat ng opisyales ng Pamunuan ng Primark upang pag-usapan ang dapat na renta ng mga vendors at magsumite na rin ng kanilang listahan na batayan ng kanilang pagpaparenta.

Umaasa naman si SP Atienza na susuportahan siya ng konseho hinggil sa naturang isyu.

Facebook Comments