Pamunuan ng PRO2, Kinilala ang natatanging Ambag ng ilang Indibidwal at Grupo sa kasagsagan ng Kalamidad

Cauayan City, Isabela-Kinilala ng Police Regional Office 2 ang mga natatanging ambag ng ilang grupo at indibidwal gayundin ang mga kapwa pulis na nagpakita ng kabayanihan noong kasagsagan ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng lambak ng Cagayan dahil sa kalamidad.

Personal na pinarangalan ni PRO2 Regional Director Crizaldo Nieves ang mga tauhan ng Cagayan PPO sa pangunguna ni PCOL ARIEL N QUILANG at Regional Mobile Force Battalion sa pamumuno ni PCOL MARIO MALANA ng Medalya ng Kadakilaan dahil sa kanilang kabayanihan at tapang na ipinamalas sa iba’t ibang search and rescue operations para makapagsalba ng buhay habang nananalasa ang bagsik ng Bagyong Ulysses sa probinsya ng Cagayan.

Sa parehong parangal, tinanggap ni PCpl. Edgar Pizzaro Jr and PCpl. Romnick Andal makaraang sagipin ang dalawang bata na akmang nalulunod sa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City ilang linggo na ang nakakalipas.


Sa kabilang banda,ipinagkaloob naman ang Medalya ng Kasanayan sa PRO2 News Team sa pangunguna ni PCOL ANDREE C ABELLA para sa kanilang tuloy-tuloy na pagbibigay impormasyon sa kaganapan sa paligid sa pamamagitan ng PRO2 Official Facebook Page na “Arefive Protwo” mula sa iba’t ibang search, rescue at relief operations na isinagawa ng pamunuan ng pulisya kung saan bumuhos ang suporta at tulong mula sa mga taong nagmagandang-loob para sa mga biktima ng kalamidad.

Iginawad rin ang Medalya ng Kagalingan kay PMAJ JOEFFERSON A GANNABAN at PCPT ROHAINA I ASALAN dahil sa kanilang walang tugil na pagsasagawa ng hot pursuit operation sa nangyaring pamamaril sa Sitio Dalayat, Brgy Minanga, Lagum, Penablañca, Cagayan na ikinasugat ni PLT RANDY BACCAY, deputy Chief of Police ng Peñablanca Police Station habang nagsasagawa ang mga ito ng anti-illegal logging operation sa lugar.

Inihayag naman ni PBGen.Nieves ang kanyang pasasalamat sa mga pinarangalan dahil sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa trabaho.

“In these challenging times, isa lamang ang aking dasal para sa lahat ng ating kapulisan, sa pag hatid ninyo ng serbisyo publiko hangad ko ang inyong kaligtasan, bilang isang ama, karamihan sa mga pulis na nag hahatid ng tulong sa ating mga kababayang nasalanta ay biktima din ng bagyo, ngunit inuna parin nilang gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin. Nais ko rin ipahayag ang lubos kong pasasalamat sa lahat ng nag paabot ng donasyon mula sa iba’t-ibang ahensya, organinsasyon, individual at madami pang iba, na ating natanggap para sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Ulysses” dagdag niya.

Samantala, iginawad rin ang ilang certificates of appreciation sa mga miyembro ng local at national media na walang pagod na nagbantay sa kaganapan sa pinsala ng nagdaang kalamidad gayundi ang mga iba’t ibang nagbigay ng donasyon para sa pagpapatuloy ng relief operations ng PRO2.

Facebook Comments